Wednesday, February 22, 2012

BEKSPRESSION LANE #2

Haller muli mga beks! Kamustasa? Nandito na naman si watash para sa panibagong bekspression session. Kung natatandaan nyo sa huli nating tutorial (kung saan natutunan nyo pano gamitin ang bekspression na Chubby Chicken at Chabelita) nabanggit ko na ipapakilala ko sa inyo ang Loch Ness Monster, tama?  Korak!  Pero bago pa tayo pumunta dun, alamin muna natin ano nga ba ang Loch Ness Monster.

"Surgeon's Photograph (1934)"
Litrato ay hango sa Wikipedia
Ito ang isa sa pinakakilalang pichur ni Nessie
Ang Loch Ness Monster ay isa umanong hayop na may mahabang leeg na wari ba'y parang dinosaur at nakatira at nag-a-appearing at disappearing act sa lawa ng Loch Ness sa Scotish Highlands.  Kahit may mga ilang nagsasabing na-sightsung niley si Nessie at ang iba ay tila nakakuha pa di umano ng pichurs ng monster, hanggang ngayon ay di pa naman napapatunayan ng syensya kung ganap ngang nag-e-exist ba talaga ang monster na itey o isa lamang bunga ng malikot na pag-iisip o likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan... di kayang ipaliwanag ngunit alam mong nagaganap (sa mga inabutan ang Regal Shocker at Pinoy Thriller, naka-relate na naman kayo!)

So... mula sa makababalaghang nilalang na yan, nabuo ng mga beks ang hulaping (suffix) -ness monster.

Paano itey i-may-i-use-in-a-sentence nga, teh?  Easyness monster lang! Idugtong lang mez sa root word ang hulapi, and voila, bekspressionness monster na! Clearness monster ba? Or may questionness monster kayo? Paki-koment na lang kung meron at makaka-sureness monster kayong sasagutin ko kayo ng bengga. Happiness monster, divar?

O sya, mga ateng, sana may natutunan kayo sa tutorial na itey. Bumalik kayo ditey para sa susunod pang bekspression session. Babushkez!

16 comments:

  1. I am deeply honored and exceptionally pleased to be the first to post a comment here on your beki series posts.

    First, it has historic value and second, very practical and can be used in our daily interaction with people. Let me translate furthermore: Firstness monster, it has historic valueness monsters. And secondness monster, very practicalness monster. Charot. Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Panalo to Myke! May future ka!

      Delete
    2. Pang first honor bumanat 'tong si Myke eh. Hahaha!

      Delete
    3. Natuwa ako sa post na ito pero mas nakaka-aliw naman ang pagbibigay ni Michael ng historic value churva sa mga monsters na itey... hehehe

      Winner! Kabog na kabog!

      Delete
    4. Natakot ako sa prediction ni Mam Rona, hahaha!

      Ms. KM, napapa comment ako kasi talagang me katuturan at kabuluhan ang mga sinusulat mo. LOL

      Mam Rovie, kita nyo naman, nagresearch pa si Ms. KM.

      Baka ma-ban to sa bahay na site na 'to pero don't worry lalabas ako para mag Internet cafe makapag comment lang. Hahaha

      Delete
  2. nagising ng wala sa oras ang beautyness monster ng lola mo sa napagkaloudness monster na sigaw ng fish vendora! Getchingbelles ko itey! Proud much ako sayo at nalurkey sa trivia na yan. A good morning to you Sissy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. okei pala na alarm clock si ateng fish vendora no? hehe!

      Delete
  3. Hmmm! Pag-aaralan ko pa ng matindi to para makuha ko na talaga,LOL!

    Ang nakatawag ng pansin sakin dito at ito:

    bunga ng malikot na pag-iisip o likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan..

    Ang lalil! Makatang- makata! LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lainy, Hindi ka nanonood nung bata ng Regal Shocker or Pinoy Thriller? Dun ko kinuha yang linyang yan. Hahahaha!

      Delete
    2. Sa kasamaang palad ay hindi! Kaya naman pala may balintataw ka pang nalalaman, LOL!

      Delete
    3. Naku, Lainy, malaking portion ng childhood mo ang na-miss mo kung di ka nakisubaybay sa Regal Shocker at Pinoy Thriller! :D

      Delete
  4. ha ha ha wagas ang halakhak ko sa linya na eto "bunga ng malikot na pag-iisip o likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan... di kayang ipaliwanag ngunit alam mong nagaganap"
    - lagi etong namumutawi sakin noon sabay "awoooo"
    ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang saya ng sigaw/tili after nyan, divar? may lullabye song pa yan sa simula. lol.

      Delete
  5. eeek nakalimutan ko tuloy message ko lol.
    ... i shared my sundae with u and may tanong din ako sayo dito ;)

    http://balutmanila.blogspot.com/2012/02/sundae-hot-fudge-on-thursday-at-home.html

    ReplyDelete
    Replies
    1. nasagot ko na, ms. balut, bago ka pa bumalik ditey :D maaga gumising si Beki ngayon ;) magpamisa kaya ako kasi bihira nangyayari itey! hahaha!

      Delete