Sa huling session, napagaaralan natin ang hulaping (suffix) Ness Monster. Ngayon, isa na namang hulapi ang ipapakilala ko sa inyo:
Metch Festival
Wish ko lang talaga kaya kong ipaliwanag kung saan nagmula ang bekspression na itey, kaso lang para lang ata itong kabute na biglang sumulpot na lang sa bekibolaryo namin, kaya ikinalulungkot ko pero walang historical or scientific value ang bekspression na itey, di tulad ng sa Ness Monster.
Mabuti pa sampolan na natin paano ito ginagamit in a beki sentence:
Beki 1: Teh, jojoinsung ka ba sa gorabelles ng mga beks sa Biernes?
Beki 2: Naku, teh, malaykofta. Hindi ko kasi feelingmetch festival ang mga kajoinsung eh.
Beki 1: Masyado ka naman choosy, teh! Libremetch festival na nga yun, aayaw ka pa ba?
Getchingbelles?
Kung minsan pwede na ding i-drop ang "m" sa metch at gawing "etch" na lang. Halimbawa, instead of feelingmetch, magiging feelingetch na lang. Akchuali, mas magandang pakinggan at madaling sabihin ang feelingetch kesa feelingmetch, kaya mas patok ang feelingetch. Basta ang importante, swak pakinggan at bigkasin, at hindi pilitmetch festival.
O siya hanggang ditey na lang muna. Asyuswal, pwedeng pwede mag-iwan ng komento para sa mga katanungan... o kahit anomang kabalbalan. After all, i-mo-moderate ko naman muna lahat ng komento na yan. Hehe. Hanggang sa muli! ☻

ha ha.. para akong nagbabasa ng komiks eh.. :)
ReplyDeletegumetredi ka girl, mas komiks yung sunod na post ko ditey. hehe!
DeleteHaru! Mas type kez ang feelingetch. Mas madali at mas magandang sabihin.
ReplyDeletePunong puno ka ng bekibularyo! For sure, mega askingetch ang beauty mez sa mga bekilandia? Tama ba?
teh, mas swak talaga ang feelingetch. basta't wag mong kakalimutan ang FESTIVAL na kalakip ng metch/etch :D so feelingetch festival. ganyan!
Deleteay ok! nagetchingmetch festival ko na! LOL! Oist, kita mo na ba ung latest comment sa tawas post ko. Tawa ng tawa at bumalik ka pa daw to knowingmetch festival na naintindihan ko ang ngets at kots Hahah! Grabe, patuloy ang ani ng kumento. Tara na sa starbucks!
DeleteAw ako pala ang reyna chikadora ditey!!! asan ang korona ko??
DeleteHello pretty girls!
ReplyDeleteParang absent dito si Ms. KM nung naglesson si prof kasi hindi nya natake note sa kanyang notebook na me feathers ang history ng word na ito.
Nevertheless, I will try to use it in a sentence.
Girl, na-smell mo ba ung dukitetch festival ni Ramona Revilla? Ang baho! Buti nga sa kanya, nasa listahan na sya ngayon ng Wanted list ng interpoletch festival.
P.S. Dukit - ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit o sa puwit ng iba.
Good morning!
meron palang istorya sa likod ng metch festival??? share mo bilis, myke!
Deletehay naku KM! nababaliw ako twing babasa ako dito! kelangan ko ng maglista para gets ko lagi. dami ng aral na bekspression! ha ha ha
ReplyDeleteMay free lesson na pala ng Beki ditey! Galing! :))
ReplyDelete