Saturday, February 25, 2012

BQ = BYUTI QUEEN/BANYO QUEEN

Nung bagong dating ako sa Canada, nabansagan akong Banyo Queen.  Oooppsss, teka muna, bago mag-isip ng anomang ube HALAYang dahilan diyan, uunahan ko na kayo, WHOLESOME po ako at ang blog na ito.  Hehe!  Kaya lang naman ako tinawag na ganun kasi halos lahat ng mga litratong pinopost ko nun sa Prendster (di pa uso Peysbuk) eh kuha sa banyo.  LOL.  Wala pa akong digicam noon, at yung N95 ko lang ginagamit ko pang-pichur, tapos pag lungkut-lungkotan ang drama ng lola nyo sa pagka-homesick, nagpupunta ako sa banyo at dun nag-po-po-posing ng bengga sa harap ng salamin.  Ganda kaya gamiting backdrop ang shower curtain, kala nyo?! Hehe!

Pero dahil sa tulong ni Ding (ang bato!), ang isa sa mga Banyo Queen moments ko ay naging Byuti Queen moment.  Fabulosa!

"Wagi sa puso nya!" - Ding (ang bato!)

Pero uy, 'wag ka, minsan sa buhay ko, sumali na din ako sa byuti kontest.  Hahaha!  Yung tipong may casual wear, swimwear, talent, and question and answer portion? Ganyang ganyan nga!  First runner up lang ang lola nyo dahil kinabog ako nung isang kandidatang bakla sa talent portion nya, pero inuwi ko naman ang nag-iisang ispeysyal award na Miss Photogenic.  LOL.  Ayun, yung cash prizes na napanalunan ko, ginamit ko pang libre sa mga katrabaho ko sa laboratoryo na umudyok para sumali ako sa patimpalak na yun at mega nag all-out support sa'kin.  Ang shyness shyness monster ko kaya noon tapos pinarampage-rampage nila ako ng ganun sa harap ng publikong pipol.  Parang dapat ata sila pa ang nanlibre sa'kin, no?!  Mga baklang yun naisahan ako.  LOL.

O s'ya, masyado na ako napapakuwento dito baka ma-boringga ingelheim na kayo ng fatale sa'kin at hindi nyo na ako dalawin ulit sa blog ko.  Hanggang sa muling ka-beki-han.

PS:  I-jo-joinsung ko ulit itey sa Happiness Is meme ni Seksi dahil na-ha-happy ako na once in my life eh naranasan ko sa totoong buhay ang sumali sa byuti kontest at kahit pano eh hindi umuwing luhaan dahil nakakuha ng ilang awards.  Lumevel up ang confidence ko dun.  Hehe!

22 comments:

  1. same here,mahilig kaming magpapicture ng mga friends ko sa CR ng office namin,after namin mag toothbrush,freshness na beauty namin kaya sa cr ang pictorial galore namin lol

    ReplyDelete
  2. LOL! Ang alam ko di ka nag-iisa sa hilig mong yan, Beki Mae, hehe!

    Pero congrats sa pagkapanalo mo sa Beauty Contest! Sinasabi ko na nga ba na may tinatago ka sa katawan mo eh, hehehe! Pasilip naman ng mga piktyurs mo nong rumampa ka sa stage ;-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lainy, sinunog ko na lahat ng litrato nun. Hahaha!

      Delete
  3. musta naman ang Q&A Beki? tinanong ka ba about "World Peace"? he he

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman, 'teh. About poverty and hunger in Africa lang. LOL.

      Delete
  4. hahaha..may tagalogness blog ka din pala..
    Visiting from happiness is... entry #33.
    My Happiness is..
    Happy Monday!

    ReplyDelete
  5. Ay! Aspiring beauty queen pala ha? At sa banyo ang pictorial. Panalo! Hindi ka naman nagka-stiff neck sa pose na yan ha? hahaha! Peron in fairness, ang fresh fresh ng beauty mo ditey. Parang virgin??? hahaha. Maba-ban nadin tong blog mo! Gantihan lang yan. LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Luka luka, birhen pa talaga ako sa litratong yan. Buwahahaha! Bahala na kung ma-ban. LOL.

      Delete
    2. Psstt, kayong dalawa, me mga bata o. Hahaha. Good morning guys!

      Delete
    3. Hahahaha! Tawa ko ng tawa dito. At may pulis pa! Salamat Myke! Hahaha! O siya, luka luka na ko kemers. Niwala naman ako sayo eh. Nyahaha!

      Delete
    4. Me nagpapatrolya pala dito?! Hahaha!

      Delete
    5. Ini screen ko ang mga comments po, haha.

      Matanong ko lang po Bb. KM, nung sumali ka ba sa byuti contest, alala mo pa ba intro mo?

      Ung tipong, "hindi akin, hindi sa'yo -- kanino? KENYA!" parang ganun po ba? Bwahaha!

      Delete
    6. Myke, Marami ako nyan dito oh:

      MS. UNIVERSE INTRO

      Pero ang ginamit ko eh:

      "Sabi ni Mam/Ser, Maglaba ka na dyan, Magsaing ka na dyan, Magwalis ka na dyan, Ako na, Ako na, Ako na si Ms. Canadian!"

      O divar? :D

      Delete
  6. Hahaha... Kakatuwa naman pala ang ang kwento behind that Banyo Queen title...hehe

    Subukan nga minsan mag post din ng mga banyo pics...LOL!

    ReplyDelete
  7. Nakaka relate ako. haha! My longest girlfriend was a beauty queen in my province and the reason why she was encouraged by her parents to join stuff like that was to overcome her shyness. True enough, she gained self confidence and she also gained lots of admirers, myself included.

    And I think I might've a few pictures taken inside the bathroom/restroom. But I never posted them. LOL!

    Have a great week and God bless.

    ReplyDelete
  8. nice Ate KM...nakakatuwa ang post mo na ito ate KM...

    ReplyDelete
  9. hahaha ang cute naman ni Beki, di ko alam Sis Karen ikaw pala eto :-) ganda naman basahin ang mga Tagalog words :-) I am a Bisayan, hirap magsalita ng Tagalog, but I enjoy reading this blog, love the pose, congrats Ms. Beki, Ms. Universe :-) Visiting late from Happiness Is, hope that you can return the visit too.

    http://www.sportyjess.com/buffalo-sabres-won-on-the-shoot-out/

    ReplyDelete
  10. Palagi akong napapatawa dito, hahaha. I'm going to remind myself to log in not on my maithreeboyz(kid's blog)when i'm visiting beki mae and rona's blog, but instead log in using my RG blog para makacomment naman ng todo hahaha. up to now, di ko pa ren mareconcile na si beki mae at si KM ay iisa, kung di lang sa picture. :) salamat sa dalaw!

    ReplyDelete
    Replies
    1. aba, may alter ego din pala itong si Mai. haha! dalhin mo ng dalhin si RG dito para makahuntahan ni Beki Mae at mabisita din ng madalas :D

      Delete
    2. oo KM, ung redlane geraine is my tagline na the other side of me. :) hayaan mo at ako ay dadalaw using that.

      Delete
  11. Hindi ko rin mapigilan na hindi tumawa kasi nakita ko anak ko saiyo. Ang hilig niya rin kasi magkulong ng banyo para mag-picture and video. Sumali nga siya sa isang contest na magsesend lang ng video lam mo kung saan venue nung video entry niya nasa loob po ng banyo LoL. Hay! tiyak magkakasundo kayo ng anak ko KM. Congrats pala dito sa bagong blog mo...teka bago nga ba ito or late na ako sa balita hehehe.

    ReplyDelete