Thursday, February 9, 2012

SUPER SIREYNA!

Umamin kayo, di ba minsan sa buhay nyo pinangarap ninyo din maging super hero?

Nung bata ako, bago pa mauso ang Power Rangers, naglalaro-laro kami ng mga kapitbahay ko ng Bioman.  Ako si Yellow 4 dahil lang sa meron akong sisterakang mas bata sa'kin na dapat pagbigyan na maging Pink 5.  Yun ang kelangan sa script eh.  Hindi pwedeng yung mas matanda ang maging Pink 5.  Kaya kahit mas feelingetch festival ng lola nyo na maging si Pink 5, eh no choice kung hindi tanggapin ang role offer na Yellow 4 kesa naman hindi ako kasali sa laro, di ba?

So anyweiz, makalipas ang ilang dekada, thunder cats na ang mga Bioman at nalaos na't lahat lahat ang Power Rangers, isang araw sa buhay ko, salamat sa malupet na Photoshop powers ng aking matalik na kaibigan na si Ding (ang bato!), kahit man lang sa litrato eh naranasan kong maging super hero.

Sino diyan sa litrato si Beki Mae?

Sige, hanggang dito na lang muna, at baka pag tinuloy ko pa 'to eh malaman nyong in reality ako ay isang Super Sireyna. Oist, secret lang yan ah. 'Wag nyong pagkakalat ☻

PS:  Since nakaka-happy balikan ang picture na 'to na hinugot ko pa sa baul ni Ding (ang bato!), i-li-link ko 'to sa Happiness Is.

48 comments:

  1. Hahahaha! Sa wakas at LIVE na rin ang blog ni Beki, ang Alter Ego ni Seksi! Nakakatuwa naman talaga!

    Sige na nga! Huhulaan ko kung san ka dyan sa litrato. Kaw ung katabi nong nakapalda ng brown? Di ako sigurado eh. Ipagpaumanhin mo na kung mali ang hula ko.

    Syanga pala. Dapat bang Tagalog lang ang komento dito? Di puede ang Ingles? Buti na yong malinaw, hahaha!

    O sya! Hanggang sa muling dalaw ko kay Beki. Aabangan ko pa ang susunod nyang mga ka-bekihan, LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Kinarir ko kagabi at hinapit ko talaga para makapag-live for Happiness Is this week.

      Hindi naman bawal mag-Ingles. Pwedeng pwede akchuali! :) Kung Bekimon nga puwede, Ingles pa kaya? Divah?? LOL.

      Pero wait lang, mali pala ang hula mo, Lainy kung sino si Beki Mae sa pichur na yan. Haha! Alam ko na bakit hindi mo nahulaan ng tama kasi bongga pa ang pagkabalingkinitan ko sa litratong yan. Haha!

      Delete
    2. AWWW! So ikaw yong nakaitim????

      Delete
    3. WOW! Seksiness ang arrive!

      Delete
    4. Uy syanga pala! Nakalista na sa 3 blogs ko ang 3 blogs mo, pati na rin etong beki blog mo. Mag-uupdate pako ng blogroll ko sa iba ko pang blogs. Relaks ka lang muna, hehehe!

      Delete
    5. Brokenhearted kasi ako at depressed depressan nung mga times na yan kaya pumayat ng bengga. LOL.

      Salamat ng marami sa pag-add kay Beki sa blogs mo :D Feeling ko naman nanalo ng award si Beki sa privilege na mapalista sa mga blogs mo :) Muah!

      Delete
    6. Basta ikaw, no problemo, KM. It's a pleasure to add all your blogs in my Blogstars list ;-)

      BTW, bakit wala pang mukha si Beki Mae sa blogger profile mo? Curious ako sa other character of Beki Mae, LOL!

      Delete
  2. Haru! Live na ang beki blog mo! Hooray! Ang saya saya ko! Ako na ang may kajamming! Tumatalon talaga ko sa tuwa!

    Panalo ang picture na yan hahaha!!!! Type na type ko!

    Happiness to KM! Salamat sa pagpapaunlak mo ng pag-live nitong blog. May kahuntahan na ko sa kabekihan ko. Oh ayan! dami na magkakaron din ng tagalog blogs! Ang saya kaya. Try nyo!

    haha. walang pagsidlan ang saya ko. Grabe KM!!! I love you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ba, ang saya saya??!!! Mapapatambling tayo sa tawa nito, teh Rona. Hahahaha!!!

      Marami pang kulang na elemento sa blog na itey. Pero sa weekend unahin kong karirin ang blog/badge page para mailista ko na kayong mga kahuntahan ko dun. Aabisuhan kita pag nailagay ko na ang links/badges mo ;)

      Hanggang sa muling pang-be-beki, teh Rona! Aylabya too ♥

      Delete
  3. Basta ako, ako si PINK ranger! Ako lang! LOL! Ganyan ako nung bata. Iiyak talaga ko pag may aagaw sa pink ranger!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Bata ka pa lang pala, may diva moment ka na. LOL. Talagang dapat ikaw lang si Pink Ranger, bawal agawin. Kabog! LOL.

      Delete
    2. Ang keme keme ko kaya nung bata! Lol! di kapanipaniwala noh? haha. Bongga ang posing mo dito Beki! yung nakaitim ka diba? bakit? maitim ba ang budhi mo? aminin! haha

      Delete
    3. so kelan mo nalaman sa sarili mong beki ka pala? that's the million dollar question, teh. hehe!

      korak, ako nga yung naka bluish black. black is beauty kasi, teh. yun yun. ahihihihi!

      Delete
    4. Now lang nitong paglive mo kay bekimae. haha. Pero one request, kasi you know, not everybody di-knows ang mga beki terms, so isang request lang para maunawaan ng lahat. We need definition of terms, ibig sabihin ng mga terminologies. Korak? Parang yung sa STARTALK TX sa GMA 7? holah! Gora ka nito ha?

      Delete
    5. at nga pala, can you pls put 'follow by email' ditey? nang lagi akong updated kay bekimae thru email. tsalamat dami!

      Delete
    6. Oki, sige aprub yan, teh. Every now and then, eh gagawa ako ng Bekibolaryo post na nag-co-contain ng mga beki words na nagamit ko na sa mga previous posts ;) Salamat sa idea, teh! Galing galing mo talagang beki ka :D

      At yung follow by email, okei na din, teh. Nandun sa kaliwa, pakilagay na ang email mo. Ahihihihi ! Salamash :)

      Delete
    7. haha galing ko ba? tagal na! haha.

      Tenchu sa paglagay ng request ko! Muah!

      Delete
  4. HAHAHA you're so funny!

    Travels and Wandering is one of our happiness.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mudrabelles, simula pa lang yan ng paghahasik ko ng kabekihan dito. buwahahaha!

      Delete
  5. LAftrip po itech teh! :) Kalurky talaga nagagawa ng photoshop eh noh? How I wish na marunong din ako!

    here for my happiness is... visit! ♥

    ReplyDelete
    Replies
    1. nalurky ka ba ng bengga, marie clara? ;) wish ko din nga mag level up ng photoshop powers. sana marinig tyo ng mga fairy godmothers natin :D

      Delete
    2. Teh, di ko pansin sayo din to. Maygawd! :)

      Tsaka ko lang nalaman nong inannounce mo sa Happiness Is blog mo.

      Ikaw na teh! :)

      Delete
  6. Sobrang saya dito... Ayan ant may outlet ka na ng mga beki moments mo KM ha... Hahahah...

    Congrats sa bagong blog mo... Babae ba ang blog? Kung hindi bakit sya nanganganak? Lol!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tenkyuberimatch, teh Rovs sa pag congratumalations sa'kin ditey :D Sabi nga ni Tuesday Vargas, "Babae po ako..." Pero ang blog, beki! Matagal ko nang napagtanto ang sagot sa katanungang yan, teh Rovs. Kung bakit nga ba ang mga bading dumadami eh hindi naman nanganganak. Kasi nga, pag nalawayan ka ng bading, mahahawa ka na din :D

      Delete
    2. LOL! Ibig sabihin nalawayan ka ng bading, KM???

      Delete
    3. Nung bata pala kasi ako nausog daw ako ng bading kaya pinalawayan ako. Hahahah! #naghahabi-habi ng kuwento. LOL.

      Delete
    4. hahaha... tumpakang katanungang iyan dahil maraming beses ko ding tinatanung yan sa mga beki-friends ko...

      Kung ndi mo alam eh in ako sa mga bekis kaya super layk ko and blogg na ito...hahaha

      Tuwa ako sa tanong ni Lainz...

      Delete
  7. Haha! Sige lang, gawin mo yang post na yan. Wag kang mag-alala di ako papatalo. Mas kaabang abang ang sakin. Kakabugin ka ng bongga. Nung isang gabi ko pa naisip ipost. Paghahandaan ko talaga ng bongga! Haha.. PRAMIS KABOG ANG POST MO! LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Showdown ng mga beki blogs. Mi gusto ni watash itey! LOL. Nakaka-heksayt. Haha!

      Delete
    2. Oh well, grabe ang nagagawa kasi ng kabekihan natin. Tignan mo silang lahat na nagkukumento, lahat sila masaya at tumatawa! Oh davah? vongga!!

      Delete
  8. Haha! sayo pala ito KM, grabe tawa ko sa mga comments dito vah!!!paano ba itech di ako fluent sa tagalog, at sa gay na language..kunti lang yong mga alam ko...pwe ba mag bisaya or mag ilonggo.lol..i like your new blog...addict ka pala sa photoshop hah, try mo yang curve sa my layer banda, mganda ang effect ng litrato mo...cge mag sulat k ng magsulat ksi gusto ko mga ganitong blog at pra mapatwa mo kami.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Mhie, Saya naman at nagawi na din ang kara mo dito kay Beki. LOL. Pwede naman mag-Ilonggo or mag-Bisaya, papa-translate ko na lang kay Lainy o sa iba kong Ilonggo friends. Basic lang ang alam ni Seksi sa Photoshop, pero yung friendiva kong si Ding (ang bato!) ang magaling mag-edit.

      Salamat naman sa pag-inkerej sa'kin. Tumataba naman ang puso kong beki nyan. Pangako hindi ko kayo bibiguin :D

      Delete
    2. Sige sige. Puede mo akong gawing personal translator mo, KM. Hahahaha! Di ako masyado nakakapagsalita ng Ilonggo pero nakakaintindi ako ng bongga, hahaha!

      Delete
    3. Awww, Lainy! iba tlga pag-GENSAn kasi bongga, bongga ang language natin, lol, like ko na yong facebook mo para makita ko ang bongga mong sinusulat at makabasa agad si ako.

      Delete
    4. O nga Mhie ;-)

      Salamat sa pag-like back ng FB page ko. I-aadd na rin kita sa Blogstars ko para palaging mabisita :-)

      Delete
  9. hahaha, kakatuwa ang photo editing mo :) Sharing to you My Happiness is...#6.

    ReplyDelete
  10. hahaha ang cute mo naman Sis, salamat sa tawa :-) Visiting from Happiness is...hope that you can return the visit too.

    http://www.simplyjess.info/beautiful-crochet-of-scarf-and-beanie-sets/

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha! thanks, Jess, at nagawi ka dito at naaliw kita kahit pano :) balik ka ulit dito ha? ;)

      Delete
  11. Anime ba gusto mo???link exchange tau kung gusto mo!!

    ReplyDelete
  12. Wow galing ah! nakakatuwa site mo teh! di ko kinaya ang mga terms! talagang pang hapiness is.. ang entry:) salamat at napasaya mo kami:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat at nagawi ka dito, teh! Napasaya din ako ng komento mong 'to. Balik ka ha? ;)

      Delete
  13. Hahaha, kakatuwa! alam ko na agad na si beki ay yung sexy na nakaitim na haba ng hair. hindi maipag-kaila ang sexiness, hahaha. galing naman ni ding!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang galing mo din, Mhie, at nahulaan mo! Hehe :D Some kinda oldness monster (2008) na 'tong pichur na'to kaya balingkinitan pa si Beki diyan. Ahihihihi!

      Delete
  14. saya naman dito, at ang bongga ng picture, visiting late for happiness is, mine is up at

    http://www.pinaysinglemomsnook.info/i-was-at-my-sisters-place/

    see you around!!!

    ReplyDelete