Wednesday, February 29, 2012

BEKSPRESSION LANE #3

Nanditey na naman si akekels! ♪♫  Kumustasa na mga  beks? Niribyu nyo ba ang mga previous bekspression sessions natin?  Puwes, reydi or not, heto na naman si watash for another session!

Sa huling session, napagaaralan natin ang hulaping (suffix) Ness Monster.  Ngayon, isa na namang hulapi ang ipapakilala ko sa inyo:

Metch Festival

Wish ko lang talaga kaya kong ipaliwanag kung saan nagmula ang bekspression na itey, kaso lang para lang ata itong kabute na biglang sumulpot na lang sa bekibolaryo namin, kaya ikinalulungkot ko pero walang historical or scientific value ang bekspression na itey, di tulad ng sa Ness Monster.

Mabuti pa sampolan na natin paano ito ginagamit in a beki sentence:

Beki 1:  Teh, jojoinsung ka ba sa gorabelles ng mga beks sa Biernes?
Beki 2:  Naku, teh, malaykofta.  Hindi ko kasi feelingmetch festival ang mga kajoinsung eh.
Beki 1:  Masyado ka naman choosy, teh!  Libremetch festival na nga yun, aayaw ka pa ba?

Getchingbelles? 

Kung minsan pwede na ding i-drop ang "m" sa metch at gawing "etch" na lang.  Halimbawa, instead of feelingmetch, magiging feelingetch na lang.  Akchuali, mas magandang pakinggan at madaling sabihin ang feelingetch kesa feelingmetch, kaya mas patok ang feelingetch.  Basta ang importante, swak pakinggan at bigkasin, at hindi pilitmetch festival.  

O siya hanggang ditey na lang muna.  Asyuswal, pwedeng pwede mag-iwan ng komento para sa mga katanungan... o kahit anomang kabalbalan.  After all, i-mo-moderate ko naman muna lahat ng komento na yan.  Hehe.  Hanggang sa muli! ☻

Saturday, February 25, 2012

BQ = BYUTI QUEEN/BANYO QUEEN

Nung bagong dating ako sa Canada, nabansagan akong Banyo Queen.  Oooppsss, teka muna, bago mag-isip ng anomang ube HALAYang dahilan diyan, uunahan ko na kayo, WHOLESOME po ako at ang blog na ito.  Hehe!  Kaya lang naman ako tinawag na ganun kasi halos lahat ng mga litratong pinopost ko nun sa Prendster (di pa uso Peysbuk) eh kuha sa banyo.  LOL.  Wala pa akong digicam noon, at yung N95 ko lang ginagamit ko pang-pichur, tapos pag lungkut-lungkotan ang drama ng lola nyo sa pagka-homesick, nagpupunta ako sa banyo at dun nag-po-po-posing ng bengga sa harap ng salamin.  Ganda kaya gamiting backdrop ang shower curtain, kala nyo?! Hehe!

Pero dahil sa tulong ni Ding (ang bato!), ang isa sa mga Banyo Queen moments ko ay naging Byuti Queen moment.  Fabulosa!

"Wagi sa puso nya!" - Ding (ang bato!)

Pero uy, 'wag ka, minsan sa buhay ko, sumali na din ako sa byuti kontest.  Hahaha!  Yung tipong may casual wear, swimwear, talent, and question and answer portion? Ganyang ganyan nga!  First runner up lang ang lola nyo dahil kinabog ako nung isang kandidatang bakla sa talent portion nya, pero inuwi ko naman ang nag-iisang ispeysyal award na Miss Photogenic.  LOL.  Ayun, yung cash prizes na napanalunan ko, ginamit ko pang libre sa mga katrabaho ko sa laboratoryo na umudyok para sumali ako sa patimpalak na yun at mega nag all-out support sa'kin.  Ang shyness shyness monster ko kaya noon tapos pinarampage-rampage nila ako ng ganun sa harap ng publikong pipol.  Parang dapat ata sila pa ang nanlibre sa'kin, no?!  Mga baklang yun naisahan ako.  LOL.

O s'ya, masyado na ako napapakuwento dito baka ma-boringga ingelheim na kayo ng fatale sa'kin at hindi nyo na ako dalawin ulit sa blog ko.  Hanggang sa muling ka-beki-han.

PS:  I-jo-joinsung ko ulit itey sa Happiness Is meme ni Seksi dahil na-ha-happy ako na once in my life eh naranasan ko sa totoong buhay ang sumali sa byuti kontest at kahit pano eh hindi umuwing luhaan dahil nakakuha ng ilang awards.  Lumevel up ang confidence ko dun.  Hehe!

Wednesday, February 22, 2012

BEKSPRESSION LANE #2

Haller muli mga beks! Kamustasa? Nandito na naman si watash para sa panibagong bekspression session. Kung natatandaan nyo sa huli nating tutorial (kung saan natutunan nyo pano gamitin ang bekspression na Chubby Chicken at Chabelita) nabanggit ko na ipapakilala ko sa inyo ang Loch Ness Monster, tama?  Korak!  Pero bago pa tayo pumunta dun, alamin muna natin ano nga ba ang Loch Ness Monster.

"Surgeon's Photograph (1934)"
Litrato ay hango sa Wikipedia
Ito ang isa sa pinakakilalang pichur ni Nessie
Ang Loch Ness Monster ay isa umanong hayop na may mahabang leeg na wari ba'y parang dinosaur at nakatira at nag-a-appearing at disappearing act sa lawa ng Loch Ness sa Scotish Highlands.  Kahit may mga ilang nagsasabing na-sightsung niley si Nessie at ang iba ay tila nakakuha pa di umano ng pichurs ng monster, hanggang ngayon ay di pa naman napapatunayan ng syensya kung ganap ngang nag-e-exist ba talaga ang monster na itey o isa lamang bunga ng malikot na pag-iisip o likha ng balintataw o halaw sa isang daigdig ng kababalaghan... di kayang ipaliwanag ngunit alam mong nagaganap (sa mga inabutan ang Regal Shocker at Pinoy Thriller, naka-relate na naman kayo!)

So... mula sa makababalaghang nilalang na yan, nabuo ng mga beks ang hulaping (suffix) -ness monster.

Paano itey i-may-i-use-in-a-sentence nga, teh?  Easyness monster lang! Idugtong lang mez sa root word ang hulapi, and voila, bekspressionness monster na! Clearness monster ba? Or may questionness monster kayo? Paki-koment na lang kung meron at makaka-sureness monster kayong sasagutin ko kayo ng bengga. Happiness monster, divar?

O sya, mga ateng, sana may natutunan kayo sa tutorial na itey. Bumalik kayo ditey para sa susunod pang bekspression session. Babushkez!

Friday, February 17, 2012

BEKSPRESSION LANE #1

Haler mga beks!  Eto na ang aking unang swardspeak/gay lingo/ bekibolaryo/ Bekimon tutorial session.  May mga nag-komento kasi na hindi sila ganong bihasa sa ganitong pananalita, kaya para naman hindi ako mukhang nag-i-speaking of the strange tongue dito, eh every once in a while gagawa si akekels ng translation service natin ditey.  Unahan ko lang kayo na ang salitang beki eh super bilis mag-evolve at nag-i-iba din ang ibig sabihin (katulad din sa ibang Pinoy dayalekts), kaya yung mga ituturo ko dito eh yung mga common sa bekibolaryo ni Beki Mae at madalas nyong mababasa ditey sa blogsung kez, okay?

Game na ba kayo?  Game na!
Litrato ay tinag sa'kin sa Peysbuk
Ang ating unang bekspression ay Chubby Chicken.  Isang Pinoy beki sa Chicago ang nagpauso ng bekspression na itey at dahil sa beki networking ko, nasagap ko hanggang Toronto.  Gusto lang daw naman sabihin ni bakla na chubby pero dahil nga beki, hindi pwedeng chubby lang, kelangan me kalakip na chicken.  

So, use in a sentence nga?

Beki 1:  Teh, ayoko naman 'tong damit na itey kasi nag-mu-mukhang Chubby Chicken si watash pag suot ko.
Beki 2:  Tse! Kahit naman anong suot mo, Chabelita ka talaga.

Sa mga sumubaybay sa mga Spanish telenovela noon sa Pinas, I'm sure nakarelate kayo sa Chabelita.  LOL.   Anyweiz, ang ibig sabihin lang din ng Chabelita eh chubby.

O sya, yan lang muna para ngayon.  Bumalik kayo ditey para sa sunod na bekspression tutorial session natin at ipapakilala ko sa inyo ang Loch Ness Monster at kung pano i-may-i-use-in-a-sentence itey.  Okay?  For any question, just leave a comment.  Class dismissed! ☻

Thursday, February 16, 2012

SUPER ISTAR!

Reydi na ba kayo, mga ateng, sa pagbabalik ni Beki?!  Wish ko lang hindi mapanis ang byuti ng lola nyo dito! O sya, eto na ulit ang panibagong istorya sa buhay ni Beki.  Wala pong bayad ang makipagkomentuhan dito, kaya sige lang, samantalahin ang libre at 'wag mahiya, kumomento lang ng bengga sa baba! ☺

Kung akala nyong Super Hero lang ang kayang i-transform sa'kin ni Ding (ang bato!) sa pamamagitan ng Photoshop powers nya, diyan kayo nagkakamali.  Bago nya pa ako ginawang mataray na Mandirigma ng Planetang Barubal, pinag-appear nya muna ang byuti ko as starlet sa isang makatotohanang pelikula na inilabas on a limited release sa hinahabi-habing pinilakang tabing:


Gusto kong isiping blockbuster at talagang pinilahan ang pelikulang 'to, kasi hindi pa nagtatagal, eh isinabak nya na ang ganda ko sa international film festivals.  Saan ka pa?  Istaring role si watash!  Talagang level up kung level up:


O divah?  Wagi!  Sa maniwala ka't sa hindi, Gay Sha!  Anong panama ni Lola Markova diyan?!  LOL.

Oist, 'wag na mahiya, itawa nyo 'yan.  Baka kung saan pa lumabas 'yan!  Hehe.

Patok naman, divah?  Kaya i-jo-joinsung ko ang post na itey sa Happiness Is meme ni Seksi:


Whooooppppssss...  kelangan nyong bumalik dito sa beki-blog ko para malaman nyo ang iba pang na-achieve ko dahil kay Ding (ang bato!).  Abangan ang mga susunod ko pang rebelasyones! ☻

XoXo

Photos and photoshop credits para kay Ding (ang bato!).  Ang mga pichurs sa taas eh kuha nung tag-araw ng 2007 sa isang restau/bar sa Toronto kasama ang ka-beks naming si Jasmin Mia.  Habang ang mga yuppies ng Toronto eh nagpapaka-shala shala at uminom inom ng martini at kung anek anek pang ispiritu sa may back patio, kaming tatlo naman eh bumubula ang bibig kakatawa sa pictorial na ginagawa namin jan.  Marami pang ibang litrato ng maaanghang na palitan namin ng co-star kong si Jasmin Mia, pero baka di nyo na ako talaga galangin pag pinublish ko yun. LOL.

Thursday, February 9, 2012

SUPER SIREYNA!

Umamin kayo, di ba minsan sa buhay nyo pinangarap ninyo din maging super hero?

Nung bata ako, bago pa mauso ang Power Rangers, naglalaro-laro kami ng mga kapitbahay ko ng Bioman.  Ako si Yellow 4 dahil lang sa meron akong sisterakang mas bata sa'kin na dapat pagbigyan na maging Pink 5.  Yun ang kelangan sa script eh.  Hindi pwedeng yung mas matanda ang maging Pink 5.  Kaya kahit mas feelingetch festival ng lola nyo na maging si Pink 5, eh no choice kung hindi tanggapin ang role offer na Yellow 4 kesa naman hindi ako kasali sa laro, di ba?

So anyweiz, makalipas ang ilang dekada, thunder cats na ang mga Bioman at nalaos na't lahat lahat ang Power Rangers, isang araw sa buhay ko, salamat sa malupet na Photoshop powers ng aking matalik na kaibigan na si Ding (ang bato!), kahit man lang sa litrato eh naranasan kong maging super hero.

Sino diyan sa litrato si Beki Mae?

Sige, hanggang dito na lang muna, at baka pag tinuloy ko pa 'to eh malaman nyong in reality ako ay isang Super Sireyna. Oist, secret lang yan ah. 'Wag nyong pagkakalat ☻

PS:  Since nakaka-happy balikan ang picture na 'to na hinugot ko pa sa baul ni Ding (ang bato!), i-li-link ko 'to sa Happiness Is.